Friday, August 12, 2011

Janna Dominguez and Iwa Moto snub each other at FHM victory party

 Janna Dominguez and Iwa Moto snub each other at FHM victory party



Janna Dominguez and Iwa Moto snub each other at FHM victory party
May common denominator sina Janna at Iwa.

Parehong rumampa noong Huwebes ng gabi, July 14, sa victory party ng FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 sina Janna Dominguez at Iwa Moto sa World Trade Center, Pasay City.

Si Janna ang napapabalitang girlfriend ngayon ng ex-boyfriend ni Iwa na si Mickey Ablan.

Matatandaang nagkaroon ng magulong hiwalayan sina Iwa at Mickey. Reportedly, nauwi ito sa paninira ng ilang mga property at sa suicide attempt ni Iwa.

Sa FHM party nagkita, pero hindi nagpansinan sina Janna at Iwa.

"Nagkita kami, pero hindi kami nagbatian. Mas maganda kasing ganun na lang," pagkumpirma ni Janna sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview namin siya sa backstage pagkatapos ng show.
Janna Dominguez and Iwa Moto snub each other at FHM victory party
Idinadahilan ni Janna na pareho silang busy ni Iwa sa show kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

"Hindi talaga kami nagbatian, e. Pero okey lang, relax lang.

"Yung mga babae siyempre, party, party. Hindi naman porke nasa stage ka mag-aaway na kayo," paliwanag niya.

Nailang ba siya nang makita niya si Iwa sa stage?

"Okey lang, sakto lang," mabilis niyang sagot. Anong ibig sabihin ng "sakto lang"?

"Kasi alam ko namang wala akong ginawang masama sa kanya. Hindi ko siya natapakan in any way na alam ko.

"Kasi kung alam kong nakatapak ako ng tao, magsu-sorry ako.

"Pero hindi ko kailangang mag-sorry sa kanya dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanya," paliwanag ni Janna, na ang tinutukoy pa rin ay si Iwa.

Hindi ba masakit sa feelings yung alam mong wala kang ginagawa masama, pero sa ginagawang pag-iwas sa kanya ni Iwa ay parang meron siyang ginawang mabigat?

"Hindi. Parang nirerespeto ko siya kung anuman ang dinadamdam niya, or what. Kasi, hindi pa naman kami nakakapag-usap nang maayos Janna Dominguez and Iwa Moto snub each other at FHM victory party

"And if ever na mag-usap kami nang maayos, sana totoo lahat.

"Yun naman ang importante. Kasi si Mickey, nagsalita naman sa akin na lahat totoo. Ganyan. Yun naman ang importante.

"Saka kung friends kami, di ba, nasabi ko sa Showbiz Central. Friends kami, pero yung sa amin, parang, 'O, Mare, kumusta?' Ganun-gano'n lang.

"Walang malalim na pinag-ugatan na, alam mo yun? Na walang isini-share sa isa't isa. Yung bonding moments namin or whatever. Walang gano'n."

Ibig sabihin, walang dapat panghinayangan kung hindi man sila magbatian? "Wala," ang mabilis niyang sagot.

HIDING MICKEY. Sa interview ng PEP kay Janna, nalaman naming hindi niya kasama si Mickey that night.

"Wala. Wala siya dito, kasi hindi mo naman kailangang ipangalandakan na nakikita kami ng mga tao," sabi niya.

Noong magkarelasyon pa sina Iwa at Mickey, laging sumasama ang huli sa aktres para suportahan ito.

Naisip tuloy naming baka dahil nandoon din sa blowout party ng FHM si Iwa kaya hindi na sumama si Mickey kay Janna?

"Hindi naman. Siguro mas magandang iwas na lang tayo sa kung anumang posibilidad na puwedeng mangyari.

"Hindi namin wini-wish na mangyari yun, di ba?" paliwanag niya.

Ewan lang namin kung itinatago ni Janna si Mickey, pero nalaman naming nandoon lang pala sa paligid ang lalake at umiiwas ito sa mga press.

Nakaalis na si Iwa nang sumulpot si Mickey kaya maaaring hinintay lang nitong makaalis ang dating kasintahan bago siya pumunta sa backstage para kay Janna.

Hindi namin alam kung itinanggi lang ni Janna na nandoon si Mickey, o sadyang wala siyang kaalam-alam sa pagdating ng kanyang rumored boyfriend


Janna Dominguez and Iwa Moto snub each

0 comments:

Post a Comment

Blog Archive